May laban ba si Gregorio del
Pilar? Meron ba talagang labanang magaganap na sasalihan ni Gregorio o may laban nga ba talaga siya kumpara sa kanyang mga kaaway?
Nagagalak akong ipakilala sa inyo
ang kaisa-isang barkong pandigma ng Pilipinas na pinangalanang Gregorio del
Pilar na inangkat pa mula sa Amerika. Siguro nga ay dapat nga namang ipagmalaki
itong ating tagapagtanggol sapagkat si Gregorio ay isang beteranong mandirigma
na nagmula pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Subalit ang aking pakay ay
hindi ipagsigawan ang kakayanan ni Gregorio na ipagtanggol ang Pilipinas kundi
ang nakaambang mga kalaban ni Gregorio na kapwa mga malalaking pandigmang
sasakyang pandagat ng Tsina.
Ang pag-iisa ni Gregorio ay
naghuhudyat ng kahinaan laban sa pinagsamang pwersa ng mga sasakyang pandigma
ng Tsina. At ang anggulo ng kahinaan ay nagbibigay daan sa nakaambang gulo.
Huangyan Island sa salita ng mga
Intsik, Scarborough Shoal sa Ingles, at Panatag Shoal sa mga Pilipino, ito ang
mainit na pinagaawayan ng Tsina at Pilipinas na umaasang maipaglalaban ni
Gregorio.
Ang pagkakalabuan ng Tsina at
Pilipinas ay tila baga laban ni David at Goliath. Ang Pilipinas bilang maliit
na bansang walang panlaban ay may kapangyarihang angat kaysa sa malaking
bansang Tsina. Ang pagkakaibigan ng Amerika at Pilipinas ay nagbibigay ng karagdagang
pangamba sa Tsina na lusubin ang maliit na kapitbahay nito sa Timog Silangang
Asya. Isang malaking pangamba ay ang
maliwanag na pahayag ni Barack Obama kay Noynoy Aquino nitong ika 9 ng
Hunyo na tutulungan nito ang Pilipinas o ang mismong ASEAN sa pagbuo ng
agreement sa Tsina tungkol sa “Code of Conduct in the South China Sea”, bilang
ito’y gagamitin sa pagsasa-ayos ng mga hidwaan sa rehiyon.
Kung dadaanin sa simpleng legal
na bagay, mas papaboran pa din naman ng maraming bansa ang ipinaglalaban ng
Pilipinas na Scarborough Shoal bilang may 200-nautical-mile Exclusive Economic
Zone (EEZ) kumpara sa umaabot na ilang daang milya ang layo mula sa mismong
kalupaan ng Tsina.
Bilang karagdagan, ang Pilipinas
mismo ay nabibigyan ng pabor dito sa International Law tungkol sa mga hidwaan
sa teritoryo katulad ng sa Scarborough. Ito mismo ay alinsunod sa kaso ng “isla
ng Palmas” na matatagpuan sa katimugang bahagi ng bansa. Ang isla ng Palmas ay napag-aagawan
ng Netherland na dating sumakop sa Indonesia laban sa Amerika na sumakop sa
Pilipinas pagkatapos matupad ang Treaty of Paris o ang pagbenta ng Espanya sa bansa
sa mga Amerikano. Naging mainit din ang agawan sa islang ito. Sa napagkasunduan,
nabigay ang Palmas Island sa Netherlands. Sa kasalukuyan, ang isla na ito ay
nasa hilaga ng Indonesia. Ayon sa hatol, kahit mas malapit ang Palmas sa
Pilipinas, hindi mismo nagkainteres ang Espanya sa islang ito habang hawak pala
nila ang Pilipinas na siyang nagpatalo sa Amerika sa laban. Kung kaya’t ang
Netherlands na mas nagpapakita ng soberanya sa isla ang nanaig. Naging kilala
at basehan ang “Palmas Island case” pagdating sa mga hidwaan sa teritoryo. Kung
sa gayon, pagmamay-ari ng bansa ang Scarborough Shoal kung i-base sa “Palmas
Island Case” sapagkat noong 2010, isinali ng bayan ng Masinloc, Zambales ang
Panatag Shoal bilang sakop ng kanilang munisipyo.
Nitong taon lang din, na-aproba
ng UN ang pag-angkin ng Pilipinas sa isang “undersea landmass” na tinatawag na “Benham
Rise” na matatagpuan sa Karagatang Pasipiko. Hitik sa mineral ang naturang “undersea
landmass” ayon kay Energy Secretary, Ramon Paje. Ang lugar na ito ay
unti-unting umaangat na pinaniniwalaang maapakan na ng mga Pilipino ilang
milyong taon mula ngayon.
Batay sa ganitong tagumpay ng
Pilipinas mula sa pag-aproba ng UN sa Benham Rise nitong 2012, sa simpleng
legal na usapang mas malapit ang Panatag Shoal sa Pilipinas, sa pagbibigay
hatol ng hidwaan sa teritoryo na nakabatay sa kaso sa Isla ng Palmas (na lumalabas
na pabor sa Pilipinas), at sa pahayag na suporta ng Estados Unidos sa bansa tungkol
sa Scarborough na inilapag ni Pnoy sa White House nitong ika-9 ng Hunyo ay nagmistulang
malakas at malaki ang Pilipinas laban sa Tsina. Dito ay mas naging katakot-takot
ang porma ni Gregorio del Pilar.
Walang interes ang Tsina na isumite
ang isyung ito sa United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS). Kahit
na sa panahon pa ni Estrada ay isinumite niya ang gusot na ito sa UNCLOS bilang
maging subject sa mga angkop na batas. Sa International Law, walang aksyon na magaganap kung isang bansa lamang ang nagsumite ng consent nito sa international body.
Sa kasalukuyan, bilang stratehiya
ng Tsina na maging mahina ang ekonomiya ng bansa ay itinigil nito ang
pag-angkat ng mga saging sa Pilipinas. Subalit hindi ito dapat ipangamba, ang
pagtaas ng 6.4 porsiyento ng ating Gross National Product nitong unang kwarter
ng 2012 na pinakamataas sa buong Timog Silangang Asya at pumapangalawa sa Tsina
(na may 8.1%) kung isali sa ranking ang Silangang Asya. Ito ay magiging
panlaban natin sa matagal nang pagmamaliit ng Tsina sa bansa.
Kahit na masasabi nating magiging
matagumpay ang Pilipinas sa labang ito, magiging galit man ang Tsina sa anumang
bansa, ay walang giyerang magaganap. Lumipas na ang isang dekada mula ng
matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay hindi na ito nasundan dahil sa
iniiwasang malaking gastos. Hindi ko inaakalang maging katotohanan ang Ikatlong
Digmaang Pandaigdig na pamamagatang “China vs. Philippines and friends”.
Hanggang bullying lamang ang makakaya ng Tsina at hindi ko sila makikitang
magsasayang ng napakalaking pera sa kabila ng gustong maging world superpower.
Hindi man nila ito lantarang ipinapahayag ay makikita ang kanilang intensyon na
agawin ang titulo ng 21st century na nasa US supremacy. Malaki na ang
impluwensiya ng Tsina sa Africa na siyang 3rd largest training
partner ng kontinente at unti-unting kinakabig naman ng Tsina ang Europa na naghihikahos
sa eurocrisis.
Anupaman, ipinagmamalaki ko si
Gregorio del Pilar. Kahit na nakatambay lamang siya at naghihinitay sa mga
kapwa Amerikanong barkong pandigma ay masasabing naitagumpay parin niya ang
laban! Hephep! Hurray! :D
sources:
The Diplomat: Manila takes on the Goliath
related articles in Philippines Daily Inquirer
related articles in Philippine Star
Forum on China-Africa Cooperation
web.achive.org. (The Island of Palmas)
www.gov.ph (Statement on Presidents meeting with Obama)
betterphils.blogspot.com
haguejusticeportal.net (on Island of Palmas Case)